Paghahambing ng Salaysay ng Pagkakain ng Limang-Libo
Ayon kay Marcos at Juan

Markos 6Juan 6
 1 Pagkatapos nito, tumawid si Jesus sa ibayo ng Lawa ng Galilea, na tinatawag ding Lawa ng Tiberias. 2 Sinundan siya ng napakaraming tao sapagkat nakita nila ang pagpapagaling niya sa mga maysakit. 3 Umakyat si Jesus sa bundok kasama ang kanyang mga alagad at naupo roon. 4 Noon ay malapit na ang Paskwa ng mga Judio.
34 Pagbaba ni Jesus sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol, kaya't sila'y tinuruan niya ng maraming bagay. 
35 Nang dapit-hapon na, lumapit sa kanya ang mga alagad at sinabi, "Ilang ang pook na ito at malapit nang lumubog ang araw. 36 Paalisin na po ninyo ang mga tao upang makapunta sila sa mga karatig-nayon at bayan upang makabili ng pagkain." 5 Tumanaw si Jesus at nang makita niyang dumarating ang napakaraming tao, tinanong niya si Felipe, Saan kaya tayo makakabili ng tinapay upang makakain ang mga taong ito? 6 Sinabi niya iyon upang subukin si Felipe, sapagkat alam na niya ang kanyang gagawin.
37 Ngunit sinabi sa kanila ni Jesus, "Bigyan ninyo sila ng makakain."
Sumagot ang mga alagad, "Nais po ba ninyong bumili kami ng pagkain sa halagang dalawandaang salaping pilak?"
7 Sumagot naman si Felipe, Kahit na po halagang dalawandaang salaping pilak a ng tinapay ay di sasapat para makakain sila nang tigkakaunti.
38 "Ilan ang dala ninyong tinapay? Tingnan nga ninyo," utos niya.
Pagkatapos tingnan ay kanilang sinabi, "Lima po, at dalawang isda."
8 Sinabi ni Andres na isa sa kanyang mga alagad at kapatid ni Simon Pedro, 9 Mayroon po ritong isang batang lalaki na may dalang limang tinapay at dalawang isda. Subalit sasapat kaya ang mga ito?
39 Iniutos ni Jesus sa mga alagad na pangkat-pangkat na paupuin ang mga tao sa damuhan. 40 Kaya't naupo ang mga tao nang tig-iisang daan at tiglilimampu bawat grupo.10 Paupuin ninyo ang mga tao, sabi ni Jesus. Madamo sa lugar na iyon. Umupo nga ang lahat, humigit-kumulang sa limanlibo ang mga lalaki.
41 Kinuha ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Hinati-hati niya ang mga tinapay at ibinigay sa kanyang mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. Hinati-hati rin niya ang dalawang isda at ipinamahagi rin nila.11 Kinuha ni Jesus ang tinapay at matapos magpasalamat sa Diyos ay ipinamahagi iyon sa mga tao. Gayundin ang ginawa niya sa isda.
42 Ang lahat ay nakakain at nabusog, 43 at nang tipunin ng mga alagad ang lumabis na tinapay at isda, nakapuno pa sila ng labindalawang kaing. Nakakain ang lahat at nabusog.12 Nang makakain na ang mga tao, sinabi ni Jesus sa mga alagad, Ipunin ninyo ang lumabis nang di masayang. 13 Ganoon nga ang ginawa nila, at nakapuno sila ng labindalawang kaing.
44 May limanlibong lalaki ang kumain ng tinapay. 
 14 Nang makita ng mga tao ang himalang ginawa ni Jesus, sinabi nila, Tunay na ito ang Propetang paparito sa sanlibutan! 15 Nahalata ni Jesus na lalapit ang mga tao at pipilitin siyang gawing hari, kaya't umalis siyang muli at mag-isang umakyat sa bundok.