| Markos 7:24-30 | Matteo 15:21-28 |
Umalis doon si Hesus at nagpunta sa lunsod ng Tiro.
Tumuloy siya sa isang bahay doon at ayaw niyang malaman ninuman na naroon siya. Subalit hindi ganoon ang nangyari. Ang pagdating niya'y nabalitaan ng isang inang may anak na sinasapian ng masamang espiritu.
|
Umalis doon si Hesus at nagpunta sa lupaing malapit sa Tiro at Sidon.
|
| Pumunta agad kay Hesus ang ina at nagpatirapa sa kanyang harapan.
Ang babaing ito'y isang Griego na Sirofenica. | Isang Cananea na nakatira doon ang lumapit sa kanya |
| Nakiusap ito kay Hesus na palayasin ang demonyong sumapi sa kanyang anak. | na sumisigaw, "Panginoon, Anak ni David, maawa po kayo sa akin! Ang anak kong babae ay sinasapian ng demonyo at labis na pinapahirapan ito." |
| | Nguni't hindi sumagot si Hesus. |
| |
Lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi kay Hesus, "Paalisin na nga po ninyo siya. Napakaingay niya at sunod nang sunod sa atin."
Sumagot si Jesus, "Sa mga naliligaw na tupa ng sambahayan ng Israel lamang ako isinugo."
|
| | Nguni't lumapit sa kanya ang babae, lumuhod ito at nagmakaawa, "Tulungan po ninyo ako, Panginoon." |
| Ngunit sinabi ni Hesus, "Kailangang ang mga anak muna ang pakainin. Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga aso." | Sumagot si Hesus, "Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga bata at ibigay sa mga aso." |
| Tugon ng babae, "Tunay nga po, Panginoon, nguni't kinakain din ng mga asong nasa ilalim ng mesa ang tira ng mga anak." | "Totoo nga, Panginoon. Ngunit ang mga aso man po ay kumakain ng mga mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang panginoon," tugon ng babae. |
| Kaya't sinabi sa kanya ni Hesus, "Dahil sa sinabi mo maaari ka nang umuwi. Iniwan na ng demonyo ang iyong anak." | At sinabi sa kanya ni Hesus, "Napakalaki ng iyong pananampalataya! Mangyayari ang hinihiling mo." |
| Umuwi ang babae at naratnan niya sa higaan ang bata. Iniwan na nga ito ng demonyo. |
At noon di'y gumaling ang kanyang anak. |